Sino ako?



Anu nga ba ang naghihintay sakin sa dulo ng kalyeng nilalakaran ko ngayon? San ba ang punta ng mga paa ko? Lahat ba ng ito ay may halaga? Masaya nga ba mamasyal ng mag-isa? Naglalakad ako sa mahabang kalye na hindi alam ang punta'. Napansin ko nalang na ang babaeng nakita kong umiiyak kanina sa tabi ng maliit na puno ng macopa ay nasa harapan ko ulit ngayun. Umiiyak at kitang kita ang lungkot at pagdurusa. Sa di ko malamang dahilan tinanong ko siya, "bakit ka umiyak? Ano ang problema?" Ngunit tahimik lang siya at sa halip matatamis na ngiti lang ang sinagot nya sa akin. Mapanlinlang na ngiti na aakalain mong tunay. Pero ang mga ngiting iyon ay nababalot ng pait, isang ngiting nawawalan ng laya. Tumalima ako sa aking paligid, napansin ko na paikot ikot lang pala ako sa daang nilalakaran ko. Na kahit anong bilis ng takbo ang gawin ko, ganun at ganun parin ang tanawin sa paligid ko. Nakakapagod, nakakulong ako sa isang magandang mundo, punong puno ng magagandang tanawin. Mga bulak-lak, at makukulay na paru-paru ang nasa paligid. Isang mundong hindi mo gugustuhing lisanin. Ngunit sa mundong ito nagkukubli ang isang damdaming makasarili, masikip at unti unting nawawalan ng hangin. Hangin na kailangan upang mabuhay ang kahit na sinong nilalang ang mapapad-pad sa mundong ito. Kailangan ko ng lumabas upang lumanghap ng sariwang hangit. Hindi lang basta kailangan ko, kundi gusto ko! tama' gusto ko! Gusto ko nang lumabas dito. Ayoko ng maramdamang nakakulong ako. Nakakulong sa mundong noong una ay minahal ko, ngunit ngayon ay gusto kong takbuhan at  tumakas para sa kalayaan naman. 
Noong una, Masasayang tanawin lang ang nakapaloob sa mundo kung saan ako naroon. Masasayang ngiti na unti unting nilamon ng makasariling damdamin. Ngiti na ikinulong sa maliit na mundo, ngiti na hindi nasisilayan ng iba, ngiti na noong una ay totoo. Mahal ko ang mundong pinaranas mo sa akin, ngunit pano ako mabubuhay dito kung tinatanggalan mo ng hangin. Tinayuan mo ng matataas na pader, itinatago mo ako sa mundong nilikha ng iyong damdamin. Nakakapagod' paulit ulit nalang. Unti unting binabago mo ang tunay kong pagkatao, pagkatao na siyang minahal mo naman. Pagkatao na ngayon ay naghihingalo dahil sa masikip mong paghawak. Gusto ko ng kalayaan. Pwede mo naman ako mahalin ng hindi mo ko nasasaktan.
Ngayon, gusto ko nang magpaalam. Aalis na ko sa mundo mong mapanlinlang. Mahal kita ngunit hindi ko alam kong hanggang kailang masaya. Gusto ko naman huminga, babawiin ko lang and dating ako. Kung mahal mo talaga ako.. Hayaan mo naman ako magpahinga, hahanapin ko lang ang sarili ko, hahanapin ko ang nawala kong pagkatao... = (


Sino na nga ba ako???

No comments:

Post a Comment

When your feelings starts to overflow and you give effort and attention to someone or anything, It will be a serious issue of love.