Tunay na mahal!

Oo nga! hindi lahat ng bagay na gustuhin mo ay mapapasayo. Naniniwala ako na lahat tayo ay may nakalaan para satin, hindi lang natin alam kung kelan darating at kung papano. At minsan kailangan mong pagsikapan ito para makuha at kung talagang para sayo, magiging sayo!. Pero madalas yung mga bagay na hinahanap mo para makapag-pasaya sayo eh nasa kamay mo na pala hindi mo lang napapansin... kasi, "TANGA" ka!, oo tama TANGA ka!. Pero me pag-asa kapa kz hindi naman totoo na walang gamot sa taong TANGA, meron din pero hindi ito yung klase ng gamot na nabibili sa botika o nirereseta ng doktor. Ang tanging gamot lang sa pagka-tanga eh tanggapin mo sa sarili mo. Kasi kung alam mo na! ikaw mismo ang gagamot sa sarili mo para sa susunod na mga araw maitama mo ang mga pagkakamali mo noon. Marealize na kaya mo pa pala na maging masaya ulit sa buhay mo, na dati naging masaya ka naman sa kung anung meron ka pa ngayon. "Ang halaga ng isang bagay ay malalaman mo lang pag wala na". kaya alamin mo na ang halaga ng mga bagay na nasayo ngaun habang nandyan pa sila at nahahawakan, habang pwede mo pang mahalin at tawaging sayo.
Dahil baka dumating yung time na sobrang pagsisihan mo yung mga araw na sinayang mo na kasama pa siya. Wag mong gamitin ang pride sa relasyon kasi wawasakin lang nito ang maraming pagkakataon na sana pwede ka naman maging masaya kung nagpakababa ka para sa mahal mo, eh mahal mo naman eh. 
Papayag ka bang maging ganun nalang matapos ang lahat ng bagay na pinangarap mo noon at pinagsikapan para makuha?. Wag! kung meron pang natitirang pagmamahal dyan sa puso mo, na kahit na yung pagmamahal nayon eh kurot nalang at least kahit papano meron paring reason para kumilos ka at i-save yung kaya pang i-save. Panghawakan hanggang sa manumbalik sana yung pagmamahal na manaka-naka mo nalang nararamdaman. Marealize yung totoong value ng taong kasama mo, dahil yung taong kasama mo sya pala talaga ang nakatadhana sayo para makasama habang buhay. Umiintindi, nagmamahal at naghihintay lang sayo...

2 comments:

  1. tama sayang ang oras na ginugol mo sa taong mahal mo na hindi naman mapasayo malaking katangahan talaga ..ngayon masaya ako sa taong nasa tabi ko alam mo ung feeling na talagang mahal ka niya at iniintidi ka kahit gaano pa xa ka bucy

    ReplyDelete

When your feelings starts to overflow and you give effort and attention to someone or anything, It will be a serious issue of love.