Maraming mga relihiyong nag-eexist dito sa mundo, maraming paniniwala na pag pinagsama-sama mo marami kang tanong na makikita. Bakit ganito?, bakit ganyan?. Ibat-iba man ang paniniwala pero mahalaga iisang Diyos lang ang minamahal at niyayakap nating lahat kahit iba-iba ang tawag, iba-ibang pangyayari ang pinaniniwalaan at iba-iba ang pangalan. Ang mahalaga doon naniniwala tayo na mahal tayo ng Diyos natin. Diyos n nagbibigay buhay at patuloy na nagbibigay ng mga pangangailangan natin sa mundo at sa buhay. Maraming hiwaga ang bumabalot sa mundo ng paniniwala tungkol sa ibat-ibang relihiyon, maraming debate ang nagaganap at hanggang ngayon ang iba ay nananatiling tanong parin para sa iba na pinipilit alamin ang kasagutan. Hindi lahat ng tanong ay kailangan sagutin agad-agad meron talagang tanong na nananatiling tanong na walang nakakaalam kung kelan masasagutan. Maniwala ka lang at magtiwala. God has a plan for us, a good plan that he want to happen sa mundo at sa buhay mo. Pero siyempre ikaw parin ang mag-dedecide kung sasama ka sa mga plano ng Diyos sa buhay mo. Kung papayagan mo siyang kumilos sa buhay mo. Ang mga tanong na wala pang kasagutan ay ang Diyos lang ang nakakaalam. Hindi mu na kailangang hanapin ang sagot sa mga tanong na iyon, hayaan mong siya ang sumagot sa mga tanong na iyon para sa iyo. Maniwala at magtiwala ka sa mga kaya niyang gawin sa mundo at sa buhay mo, tingnan mo ang mga simpleng bagay na nagsasabing nag e-exist siya sa buhay mo araw-araw, mga simpleng bagay na nag-papaalala ng pagmamahal niya para sa iyo. Wag mong tingnan ang mga mali ng buhay dahil tulad mo walang perpektong bagay dito sa mundo. Tanging ang Diyos lamang ang perpekto at kayang gumawa ng perpektong bagay sa buhay ng bawat tao na madalas hindi nakikita ng tao. Ibat-ibang relihiyon at ibat-ibang paniniwala na kailangan ng respeto at pag-galang upang ang Diyos parin ang kumilos sa buhay ng bawat taong kasapi ng ibat-ibang pananampalataya. Basta't alam mo ang mabuti at masama, tama at mali at naniniwala sa kanyang kapangyarihan at pagmamahal, mabubuhay ka ng matuwid at taong may pagmamahal sa kapwa at sa Diyos na lumikha ng iyong buhay kahit na anung paniniwala kaman kasapi. Iba-iba man tayo ng relihiyon, iba-iba man tayo ng tawag sa Diyos mananatili parin tayong magkakapatid na may iisang lumikha. Iisa parin ang layunin natin sa buhay, ang mabuhay ng tama at matuwid na may pagmamahal sa puso at makapiling ang ating amang nasa langit sa tamang panahon at oras...
Hesus ng aking buhay!
Video created by: Jeff Agaser
No comments:
Post a Comment
When your feelings starts to overflow and you give effort and attention to someone or anything, It will be a serious issue of love.